Ano Ang Mga Sanhi Ng Karahasan Sa Paaralan

Ano ang mga sanhi ng karahasan sa paaralan

Ang karahasan ay nagaganap ngayon maging sa inaasahan mong mayroong katiwasayan. Maging sa paaralan na mayroong mga mahigpit na patakaran ay isa ng lugar ngayon na puno na nakasisindak na mga pangyayari. Ano ang mga sanhi ng karahasan sa paaralan?

Unang-una na dito ay ang pambubulas (o bullying). Ang kapuwa estudyante ay maaaring maging marahas sa pananalita anupat nagiging dahilan na upang manghina ang loob ng kaniyang kaeskuwela. Kapag nagiging malakas ang isa sa pisikal na diwa o di kaya ay sa intelketuwal, baka nakapaglalabas na siya ng mga salita na parang tabak para sa kaniyang mga kapuwa estudyante. Nagiging dahilan din ito upang maging under sa kaniya ang mga ito. Bagaman ayaw ng mga kaeskuwela ang ganitong pagtrato sa kanila, nahahayaan na lamang nila yamang mas nagiging apple of the eye ng nasa awtoridad ang estudyante na iyon. At ayaw nilang magkaroon pa ng isyu.

Gayundin ang ugnayan ng guro sa kaniyang estudyante, ay hindi din naiiwasan ang mga karahasan. Gaya ng pagpalo o matitinding mga mental na insulto na matatanggap ng isa na "mahina" o ng isang "masuwayin". Mayroon ding mga estudyante na kumakapit sa patalim ika nga para lamang ipasa ng kaniyang professor. Pero ang kapalit naman nito ay ang seksuwal na pang-aabuso.

Mayroon ding mga organisasyon na nasa labas ang nakakapasok sa loob ng paaralan gaya ng mga praternity or sorority. Kadalasan nang mararahas na mga gawain upang makapasa bilang miyembro nito. May nakakaalpas sa tindi ng pisikal at mental na pagpapahirap. Pero marami ang namamatay dahil sa tindi ng mga palo.

Ilan lamang ito sa pangkalahatang sanhi. Tiyak na mayroon kang maidadagdag na halimbawa sa bawat sanhi na ito.


Comments

Popular posts from this blog

Maraming Tao Ang Nagsasabi Na Ang Bagyo Ay Dahil Sa Kalat Natin Dito Sa Mundo? Ikaw Ba? Sang-Ayon Ka Rin?