Maraming Tao Ang Nagsasabi Na Ang Bagyo Ay Dahil Sa Kalat Natin Dito Sa Mundo? Ikaw Ba? Sang-Ayon Ka Rin?

Maraming tao ang nagsasabi na ang bagyo ay dahil sa kalat natin dito sa mundo? Ikaw ba? Sang-ayon ka rin?

Maraming tao ang nagsasabi na ang bagyo ay dahil sa kalat natin dito sa mundo? Ikaw ba? Sang-ayon ka rin?

Ang bagyo ay isang sistema ng klima na kung saan nakabukas na sirkulasyon sa paligid sa gitna ng mababang lugar. Ito ay tumatakbo sa pamamagitan ng init na inilabas kapag umaakyat pataas at lumalapot ang basang hangin. Nalalaman sila sa mga ibang unos, katulad ng mga mababang presyon sa polar, sa pamamagitan ng mekanismo na nagpapatakbo sa kanila, na ginagawa silang "mainit na gitna" na sistema ng klima. Ang bagyo ay tinatawag ding unos at sigwa. -  "Bagyo, unos, sigwa". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.

Para sa akin, natural ang pagkakaroon ng bagyo sa ating bansa at iba't ibang parte ng mundo. Isa ito sa unos na dapat nating paghandaan lalo na ang magiging epekto nito. Nagbabago bago lang ang bilang at lakas nito kada taon depende sa ating panahon ngayon. Isa nadin sa dahilan ang Global Warming at Climate change. Kayat sa aking palagay, hindi direktang ang mga kalat sa mundo ang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng bagyo. Ngunit ang mga kalat na ito ay may malaking kontribusyon sa isa sa pinakamalalang epekto ng bagyo, ito ay ang pagbaha. Maraming nasisirang kabuhayan, tahanan, at maging nasasakripisyong buhay ang pagbaha kung kaya't kailangan nating disiplinahin ang ating sarili at isaayos ang pagtatapon ng ating mga kalat maliit man ito o malaki.  


Comments

Popular posts from this blog